MANILA, Philippines - Kapwa sugatan ang daÂlawa katao matapos na paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang suspek, kaÂmakalawa ng hapon sa Pasay City.
Nilapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang mga bikÂÂtimang sina Mark Victor Buenafe, 25, nagtamo ng tama ng bala sa siko at kanang paa at Mitch Dela Peña, 29, na nagtamo naman ng tama ng bala sa kanang hita at paa, kapwa residente ng Zone 8, Brgy. 67 ng natuÂrang lungsod.
Samantala, inaalam pa ng pulisya kung sino ang responsable sa pamamaril at nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente.
Sa report na natanggap ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-5:20 ng hapon sa panulukan ng Orion St., at Arnaiz Avenue ng naturang lungsod habang ang biktima ay nakatayo sa naturang lugar nang bigla na lamang paulanan ng bala ng hindi nakikilaÂlang lalaki. Mabilis na tumakas matapos isagawa ang pamamaril.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.