MANILA, Philippines - Anim na kalalakihan ang sinampahan kahapon ng kasong paglabag sa Republic Act 1084 at serious illegal detention sa Pasay City Prosecutor’s Office matapos nilang kidnapin sa Maynila ang isang turistang Chinese national noong Biyernes.
Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang mga suspek na sina Richard Eloriaga, 31; Christoper EsperatÂ, 29; Roel Fausto, 32; DaÂniel Ren, 20, isang Tsinoy; Giovani Erollo, 20 at Ramon Paran, 17.
Nauna rito, nailigtas mula sa kamay ng mga kidnaper ang biktimang si Shang Pang Wa, 34, isang turistang Chinese sa Queensland Hotel sa FB Harrison, Pasay City alas-6:00 kamakalawa ng gabi.
Nabatid na dinukot ng mga suspek ang biktima sa Maynila noong BiyerÂnes at mula sa Remington hotel, ilang beses itong inilipat sa mga hotel sa Alabang, Muntinlupa City at Taguig City at pinatutubos sa mga kaÂanak ng dalawang milÂyong piso.
Noong Linggo (June 22) ng umaga nang makatanggap ng text message si Joanne Bautista mula sa kaibigang si Shang na nagpapasaklolo ito.
Kung kaya’t agad na humingi ng tulong si BauÂtista sa tanggapan ni SeÂnior Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police dahilan upang magÂlunsad sila ng rescue operation, na nagresulta nga sa pagkakadakip sa anim na kidnapper kasaÂbay nang pagkasagip sa biktima.
Depensa ng mga suspek, may utang aniya ang biktima sa isang kapwa nito Chinese national kaya pinabantayan ito sa kaÂnila sa loob ng halos apat na raw.
Sinampahan na ng mga kaukulang kaso ang anim na kidnapper at inaÂalam pa kung isang orgaÂnisadong grupo ang nasa likod ng pagdukot dito.