Sinaniban daw! Mister tinodas si misis
MANILA, Philippines - Pagsisi ang nadarama ngayon ng isang mister nang makita niyang naliligo na sa sariling dugo ang kanyang misis matapos niya itong pagtatagain at mapatay, kamakalawa ng hapon sa Port Area, Maynila.
Kasalukuyang nakapiit sa Manila Police District – Homicide Section ang suspek na si Arsenio Banez, 56, matapos itong arestuhin nang tagain ng jungle bolo ang kanyang misis na si Monica, 56, kapwa residente ng Procter and Gamble, 2-3 Area 7, Gawad KaÂlinga Village, Baseco Compound Port Area, Manila.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San PedroÂ, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon habang naglalaro ng bingo ang biktima kasama ang mga kapitbahay sa Area 6 at Area 7 sa Gawad Kalinga sa Port Area.
Unang inakala ng marami na may ibang kaaway ang suspek nang dumating at armado ng jungle bolo.
Laking gulat nila nang bigla nitong tinaga ang asawa sa tiyan. Mabilis namang dinala sa Gat Andres Bonifacio Medical Memorial Hospital ang biktima suÂbalit namatay din matapos ang isang oras.
Ayon sa suspek hindi umano niya alam ang kanyang ginawa kaya nagulat na lamang siya nang haraÂngin siya ng mga pulis habang lumalakad. Aniya, tila may bumubulong sa kanyang likod na gawin ang krimen.
“Hindi ko alam, parang may sumanib sa akin†anang suspek.
Posible umanong lulong sa droga ang suspek kung kaya’t nagawa ang pagpatay sa kanyang misis.
Kakasuhan naman ito ng parricide sa piskalya.
- Latest