MANILA, Philippines - Karumal-dumal ang sinapit ng isang helper ng bodega ng heavy equipments makaraang maipit sa dalawang backhoe machines, kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.
Hindi na umabot sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Rexiel Bono, 21, empleyado ng Good Morning International Corporation na may boÂdega sa may ITC Road, Brgy. Canumay East, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-9 ng umaga, minamaniobra ni Bono ang isang backoe machine nang bumukas ang pinto sa bodega. BuÂÂmaba naman si Bono upang isara ito habang naiwan na bukas ang makina ng backhoe.
Nabatid na umikot ang backhoe hanggang sa maÂÂhagip ang biktima. DiretÂsong sumalpok ang backÂhoe sa isa pang nakaparadang backhoe hanggang sa tuluyang maipit ang biktima.
Natagalan pa bago natanggal sa pagkakaipit sa dalawang heavy equipment ang biktima kaya huli na nang madala ito sa paÂgaÂmutan.
Inaalam pa ng mga imbestigador kung may pananagutan sa naturang insiÂdente ang pamunuan ng naturang kompanya.