P2-M natupok sa sunog

Pinagtitiyagaan piliin ng mga biktima ng sunog ang gamit na kanilang mapa­ki­kinabangan matapos na matupok ng apoy ang kanilang mga bahay kamakalawa­ ng gabi sa Tondo, Maynila. Kuha ni VAL RODRIGUEZ  

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P2 mil­yon ang halaga ng ari-arian-ariang natupok ng apoy nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Abad Santos at Solis St., sa Tondo, May­nila kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Manila Fire Bureau Supt. Jaime Ra­mirez, nagsimula ang sunog bago mag-alas-10:00 ng gabi sa bahay ng isang Oliver Caliwang na nasa gitna ng mga kabahayan.

Dahil umano sa makipot na daan ay nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang naglalagablab na apoy.

Nasa 40 kabahayan at 80 pamilya naman ang apek­tado sa sunog matapos maging abo ang kani­lang mga bahay.

Hinihinalang electrical o napabayaang appliances ang sanhi ng sunog.

Idineklara namang fire under control alas-11:31 ng gabi ang sunog.

 

Show comments