MANILA, Philippines - Aabot sa mahigit 133,000 mga pedestrian ang nahuling lumabag sa anti-jaywalking campaign sa Metro Manila.
Ito ay base sa pinakahuling rekord na naitala ng Metropolitan Manila DeveÂlopment Authority (MMDA) hanggang Marso 25, 2014.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, maÂituturing na malaking bilang ito at malaki ang panganib sa kani-kanilang buhay.
Sinabi nito na malaking sakit ng ulo ng MMDA ang mga pasaway ding mga pedestrian dahil kahit aniya may itinayong footbridge para tawiran, tumatawid pa rin ang mga ito sa bawal tulad sa Balintawak Market, maging sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Bukod sa mga nabanggit na kalsada, malaki na rin ang bilang ng mga jaywalker at naaaksidente sa kahabaan ng C-5, EDSA at Commonwealth Avenue.


Dahil ang nais ng maraming pedestrian ay mag- shortcut at pinaiiral ang katamaran kung kaya’t ayaw tumawid sa tamang tawiran katulad nga ng footbridge.
Sinabi ng MMDA na malalim aniya na problema ito, ngunit disiplina aniya ang kailangang ipairal sa mga ito para na rin sa kanilang kaligtasan. 
Aminado man si Tolentino na hindi lahat ng kalsada ay mababantayan ng MMDA laban sa mga jaywalker, tiniyak naman nitong hindi ito nagkukulang sa pagpapaÂalala.
 Sa kabuuang 5,035 kilometro na kalsada sa Metro Manila ang maaring tawiran ng mga pasaway na pedestrian at mayroon aniyang engineering barriers, footbridges at lanes, sa mga kalsada bukod pa sa pagkakaroon ng enforcers at signages.

Kabilang sa mga pagbabagong isinagawa ang gawing zigzag na ang mga pedestrian lanes sa mga eskwelahan para mas maÂging kapansin-pansin ito.