Pagmumultahin ng tig-P1 milyon 10 kolorum na bus, huli ng LTO

MANILA, Philippines - Sampung  kolorum na bus ang hinuli ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) sa magkakahiwalay na lugar sa bansa simula nang ipatupad ang Joint Administrative Order noong nakaraang Huwebes.

Ayon kay LTO assistant Secretary Alfonso Tan Jr., ang 10 operators na nahuli ng mga tauhan ng task force ay ang dalawang Bachelor Express bus (LYE-668) sa Region 10 na biyaheng Butuan City hanggang Cagayan; Buenasher Transport Corp. (PVH-460) na may biyaheng EDSA ang bus na paso ang prangkisa mula pa noong Enero 23.

Ang Lucena Lines (TYK-695) sa Alaminos, Laguna na paso ang prangkisa at rehistro; Jerel Transport Corp. (Sunrays Bus Lines) sa Region 7, na may plakang GWF-633.

Dalawang Super 5 bus sa Region 5, biyaheng Maynila; AOM Bus sa Region 5 mula Naga City patungong Legazpi City; Dalin Liner sa Region 2, ( BVB-591); at NELBUSCO sa Region 2 (BVK-502).

Ayon kay Tan ang mga nahuling bus ay papatawan ng tig-P1 milyong multa dahil sa kanilang paglabag.

Dagdag ni Tan, seryoso ang LTO na pigilan ang laganap na paglabag sa ipinapatupad na kautusan ng kanilang kagawaran dahil parte ito ng kanilang reform program para maging maayos ang ating mga kalsada sa lahat ng pampubliko at pribadong sasakyan.

 

Show comments