MANILA, Philippines - Bumuo na ng seven-man team ang Quezon City Police District (QCPD) para pangunahan ang pagsisiyasat sa panaÂnambang sa racing champion na si Ferdinand “Enzo†Pastor noong nakaraang linggo sa Quezon City.
Ang special investigation task group ay binuo matapos ang pag-atake kay Pastor, 32, nitong nakaraang June 13 sa may intersection ng Congressional at Visayas Avenues.
Pamumunuan ang grupo ni deputy district director for operations Senior Supt. Procopio Lipana, para siyasatin ang panaÂnambang sa biktima, ayon sa isang pahinang utos na nilagdaan ni district director Chief Supt. Richard Albano.
Magsisilbing deputy chief task group si Supt. Ariel Capucao, commander ng Talipapa police station na may hurisdiksyon sa krimen. Dagdag ni Taqueban, nasa proseso na ang grupo ng pagsala sa mga posibleng motibo ng pananambang, pero tumangging magbigay ng anumang detalye.
Magugunitang si Pastor ay magdadala sana ng kanyang race car sakay ng isang truck patungo sa race track sa Clark, Pampanga noong gabi ng June 13 nang pagbabarilin mula sa driver’s side ng truck. Nakahinto sa stop light ang sinasakyan ni Pastor sa may panulukan ng Congressional at Visayas Avenues nang siya ay atakihin ng armadong suspek.