MANILA, Philippines - Aabot sa P5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang isang bodega ng plastic, kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Bandang alas-6:00 ng umaga nang mag-umpisang sumiklab ang apoy sa bodegang pag-aari ng isang Sandy Uy sa may Domingo Compound, Brgy. Rincon at itinaas sa Task Force Bravo ng Bureau of Fire Protection ng alas-9:40 ng umaga. Nabatid na imbakan umano ito ng mga plastic materials na tinutunaw upang ihulma bilang mga produktong plastic tulad ng balde, palanggana, tabo, upuan, at iba pa.
Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng pinagmulan ng apoy ang ginagawang pagwe-welding ng isang tauhan ng bodega sa naturang lugar. Kasalukuyang inaalam pa ng mga imbestigador ang detalye nito buhat sa mga saksi. Nahirapang maapula ng mga bumbero ang apoy dahil sa matagal talaga umanong maÂubos ang apoy buhat sa plastic. Bahagya namang nakatulong ang pagpatak ng ulan ngunit muling sumisiklab ang apoy nang tumila ito. Aminado naman ang pamunuan ng Valenzuela Fire Department na wala pa silang “chemical boom†para magamit sa mga sunog na may matinding kemikal. Sinabi ni Dr. Arnaldo Antonio, hepe ng City Risk Reduction and Disaster Management na nakatakda na umano silang bumili nito dahil sa kasama na ito sa budget ngayong taon.