Hit and run: 1 patay, 3 sugatan

MANILA, Philippines - Patay ang isang  56-anyos na lalaki habang  tatlo pa ang  sugatan  nang  ma-hit and run,  kamakalawa  sa harap ng Bureau of Immigration sa Intramuros, Maynila.

Dead-on-the-spot si Ruben Cabutaje, ng Cabesa St., Tondo, Maynila habang sugatan  naman sina Godwin Sarad,  40, ng Molino 6,  Bacoor,  Cavite;  Jhonny Delao, 38,  ng San Antonio Parañaque City at John Lizaso, 55, ng Sauyo, Quezon City.

Naglalakad ang mga biktima nang  mabundol ito ng  sasakyang hindi naplakahan  na patungong Pier South.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad upang matukoy ang sasakyan at mapanagot ang  may ari nito.

Show comments