^

Metro

Nagpanggap na parak, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki matapos itong magpanggap na  pulis at mahulihan  ng  toy gun  habang nagmamaneho  ng motorsiklo at walang suot na helmet sa isang check-point na isinagawa ng mga pulis kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police  detention cell ang suspek na si  Datu Mukalid, 30, vendor, ng Maharlika Village, Taguig City.

Base report na natanggap ni  Chief Inspector Angelito de Juan, hepe ng Station  Investigation and Detective Management Section (SIDMS), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-5:30 ng umaga sa harapan ng DLTB Terminal, kahabaan ng EDSA Avenue ng naturang lungsod.

Nabatid na minamaneho ng suspek ang isang kulay itim na motorsiklo na may plakang 3162-WV at habang binabagtas ang naturang lugar, namataan ito ng mga pulis na nagsasagawa ng check-point dahil wala itong suot na helmet.

Kaagad itong pinatigil ng mga pulis at dito na nagpakilalang pulis ang suspek. Sinabi pa nito na pamangkin umano siya ng isang Col. Mukalid ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Nagpakita pa ang suspek na may sukbit siyang baril sa kanyang beywang, subalit walang naipakitang pruweba ang suspek na isa siyang alagad ng batas kung saan nadiskubre rin na ang nakasukbit sa kanyang baril ay isang toy gun. Dahil dito kaya kaagad na dinakip ng mga pulis ang naturang suspek   at sinampahan ng mga kasong  paglabag sa Republic Act 10054 (driving without license),   paglabag sa  RA 10591, Art. 5, Section 35 (use of imitation of fire arms, illegal use of insignia).

vuukle comment

CAMP BAGONG DIWA

CHIEF INSPECTOR ANGELITO

DATU MUKALID

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

MAHARLIKA VILLAGE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

REPUBLIC ACT

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with