MANILA, Philippines - Matapos magtaas ng pasahe sa jeep, panibagong pasanin na naman sa publiko lalo na sa mga motorista dahil sa napiÂpintong pagtataas naman ng produktong petrolyo na ipatutupad ng mga oil comÂpanies anumang araw ng linggong ito.
Nabatid na posibleng dagdagan ng P0.30 hanggang P0.50 sa presyo kada litro ng gasolina at krudo
Inaasahang tataas naman ng P0.30 hanggang P0.70 kada litro sa presyo ng kerosene.
Sa pahayag nina Petron Strategic Communications Manager Raffy LeÂdesma; Toby Nebrida, ng Pilipinas Shell at Iris Reyes, ng Total Philippines, nabatid na ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng halaga ng langis sa world market.
Matatandaan na huling nagbawas sa presyo ng kanilang produkto ang mga oil company noong Hunyo 9, na ito ay nasa P0.90 kada litro para sa gasolina, P0.70 sa Kerosene habang P1.10 naman sa krudo kada litro.