Pinag-aagawang lupa ng Caloocan, Malabon reresolbahin
MANILA, Philippines - Matapos ang 50 taong pag-aagawan, nagkasundo ang pamahalaang lungsod ng Caloocan at Malabon na magkatuwang na i-develop ang 80 ektaryang lupaing pinagtataÂlunan upang maging sentro ng ekonomiya sa Hilagang panig ng Kamaynilaan.
Nakatakdang pirmahan bukas nina CaÂloocan City Mayor Oscar Malapitan at Malabon City Mayor Antolin Oreta III ang isang “memorandum of understanding†sa paglikha ng isang “joint venture company†para sa pagde-develop sa naturang lupain na nasa Caloocan Barangay Libis Baesa at Malabon Barangay Potrero.
Nabatid na nasa 50 taon na ang agawan sa pagmaÂmay-ari sa naturang lupain at mga residente ng naturang mga barangay ang labis na naaÂapektuhan sa sigalot.
Kasalukuyang nasa korte pa rin ang usapin na nag-umpisa nang maging bahagi ng teritoryo ng Malabon ang bahagi ng Caloocan nang maipasa bilang batas ang Republic Act 9019 (Malabon Cityhood).
Habang nasa korte ang usapin, nagkasundo sina MaÂlapitan at Oreta na paunlarin ang lugar na lalagyan umano ng isang “integrated bus terminal, economic at industrial zones, business at financial centersâ€, mga paaralan at iba pa.
Sinabi ni Malapitan na pagkakataon ngayon na maÂging oportunidad ang kinakaharap na krisis upang mapaunlad ang dalawang lungsod at hindi mapag-iwanan ng mga mas batang lungsod sa Metro Manila.
- Latest