^

Metro

Civil Registry hindi na babahain

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa ang hepe ng Manila Civil Registry na si Joey Cabreza na hindi na dadanasin ng kanyang mga tauhan ang pagpapatuyo ng mga dokumento sakaling dumating ang malakas na ulan at bahain ang lugar.

Ayon kay Cabreza, ito ang dahilan kung kaya’t patuloy ang kanilang ginagawang pagsasaayos sa lugar kasabay ng  pagbibigay ng  mabilis na pagpoproseso ng mga papeles.

Matatandaan na pinatutuyo ang mga nabasang dokumento sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw, hair dryer, bentilador at plantsa.

Aniya, sa kanilang bagong sistema madali na lamang makukuha ang mga dokumento mula marriage, death at birth certificate.

Paliwanag ni Cabreza, dapat lamang na gawing mabilis ang  sistema at proseso  upang mabilis din ang  transaksiyon at hindi na paghihintayin pa ng matagal ang mga kumukuha.

Kamakailan ay inilunsad ni  Cabreza ang  ‘one stop shop’ upang sa iisang lugar na lamang magpa-file, magbabayad at kukunin ang kanilang mga kailangang dokumento.

ANIYA

AYON

CABREZA

JOEY CABREZA

KAMAKAILAN

MANILA CIVIL REGISTRY

MATATANDAAN

PALIWANAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with