Holdaper patay sa engkwentro

Ang duguang bangkay ng  hindi pa nakikilalang  holdaper matapos na makipagbarilan sa mga pulis. (Kuha ni Bening Batuigas)

MANILA, Philippines - Isang holdaper ang patay makaraang makipagpalitan ng putok sa mga rumes­pondeng pulis ilang minuto matapos na holdapin at barilin ang dalawa niyang biktima na malubhang nasuga­tan sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Gino Alburo, 23, ng ROTC Hunters, Brgy. Tatalon sa lung­sod habang  sugatan naman ang mga biktimang sina Ri­chard Salazar, 28 at Gre­gory Benzon, 25.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jaime de Jesus, nangyari ang insidente sa may Elga corner Kaliraya St., Brgy. Tatalon, ganap na ala-1:30 ng madaling araw.

Nag­lalakad umano ang mga biktima sa may kahabaan ng Victory Avenue, corner Manung­gal St., nang holdapin sila ng suspek, saka kinuha ang kanilang mga gamit. Binaril pa ng suspek ang mga biktima, para hindi umano­ makahabol sa kanya.

Narinig naman ng mga nagpapatrulyang barangay tanod ang putok at rumesponde sa lugar, kung saan hinabol nila ang suspek, pero maging sila ay pinaputukan nito.

Sa puntong ito, nagpas­yang humingi ng responde ang barangay sa Police Sta­tion 11 na agad namang pi­na­takbo sa lugar ang ka­nilang tropa sa pamumuno ni SPO3 Resendo Magsipoc at inikot ang lugar, hanggang sa ma­ispatan ang suspek.

Tinangka ng mga otoridad na pasukuin ang suspek, pero pinaputukan umano sila nito, dahilan para gumanti ng putok ang mga una na nagresulta sa pagkamatay ng huli.

Sa pagsisiyasat, narekober sa tabi ng suspek ang isang kalibre .38 baril na may dalawang bala, at tatlong basyo nito; gayundin ang limang tingga, dalawang basyo ng bala ng kalibre .9mm at isang basyo ng kalibre 45 baril.

Sa cursory examination, lumabas na ang suspek ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan, habang ang dalawang biktima naman ay nag­tamo ng tama ng bala sa mukha at dibdib.

Show comments