Holdaper patay sa engkwentro
MANILA, Philippines - Isang holdaper ang patay makaraang makipagpalitan ng putok sa mga rumesÂpondeng pulis ilang minuto matapos na holdapin at barilin ang dalawa niyang biktima na malubhang nasugaÂtan sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang nasawi na si Gino Alburo, 23, ng ROTC Hunters, Brgy. Tatalon sa lungÂsod habang sugatan naman ang mga biktimang sina RiÂchard Salazar, 28 at GreÂgory Benzon, 25.
Sa imbestigasyon ni PO3 Jaime de Jesus, nangyari ang insidente sa may Elga corner Kaliraya St., Brgy. Tatalon, ganap na ala-1:30 ng madaling araw.
NagÂlalakad umano ang mga biktima sa may kahabaan ng Victory Avenue, corner ManungÂgal St., nang holdapin sila ng suspek, saka kinuha ang kanilang mga gamit. Binaril pa ng suspek ang mga biktima, para hindi umano makahabol sa kanya.
Narinig naman ng mga nagpapatrulyang barangay tanod ang putok at rumesponde sa lugar, kung saan hinabol nila ang suspek, pero maging sila ay pinaputukan nito.
Sa puntong ito, nagpasÂyang humingi ng responde ang barangay sa Police StaÂtion 11 na agad namang piÂnaÂtakbo sa lugar ang kaÂnilang tropa sa pamumuno ni SPO3 Resendo Magsipoc at inikot ang lugar, hanggang sa maÂispatan ang suspek.
Tinangka ng mga otoridad na pasukuin ang suspek, pero pinaputukan umano sila nito, dahilan para gumanti ng putok ang mga una na nagresulta sa pagkamatay ng huli.
Sa pagsisiyasat, narekober sa tabi ng suspek ang isang kalibre .38 baril na may dalawang bala, at tatlong basyo nito; gayundin ang limang tingga, dalawang basyo ng bala ng kalibre .9mm at isang basyo ng kalibre 45 baril.
Sa cursory examination, lumabas na ang suspek ay nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan, habang ang dalawang biktima naman ay nagÂtamo ng tama ng bala sa mukha at dibdib.
- Latest