MANILA, Philippines - Ipinasya ng isang 14-anyos na dalagita na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti matapos na maÂpahiya nang mapagsabihan ng kanyang nanay sa harap ng boyfriend nito sa Quezon City, ayon sa puÂlisya kahapon.
Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, si Shanara Iglesias, 1st year high school at residente sa Brgy. Capri Novaliches ay natagpuan na lamang nakabitin sa may ikatlong palapag ng kanilang bahay, ganap na alas 8 ng umaga.
Sa pagsisiyasat ni TeÂjerero, bago ang insidenteÂ, kamakailan lang ay naÂpagsabihan umano ng kanÂyang nanay ang biktima sa harap ng kanyang boyfriend matapos na sila’y mahuli nito.
Ang naturang insidenteÂ, sabi ni Tejerero, ay diÂnamÂdam ng biktima, kung saan nitong Sabado ay ibinulalas ng biktima ang sama ng loob sa kanyang pinsang si Johanna kasabay ng pagbabanta na magpapakamatay na lang siya.
Kahapon, isang bisita ng biktima na alyas Marshal ang nag-imporma kay Johanna na ang biktima ay nagpakamatay kung kaya’t agad na umakyat si JoÂhanna at kapatid ng biktima na si Nomer, kung saan nakita nila ang bikÂtima na nakabigti gamit ang kulay itim na alambre.
Dinala pa rin nila ang biktima sa ospital pero hindi na rin umabot pa ng buhay.
Dagdag ni Tejerero, nagpasya ang magulang ng biktima na hindi na ito pa-otopsiya dahil kumbinsido na silang nagpakamatay ito kung kaya pinapirma na lang nila ito sa isang waiver.