MANILA, Philippines - Inireklamo ng isang Pinay na maybahay ng isang AmeÂrican national ang isang nagpakilalang pulis-Crame na nanita umano sa kanila ng paglabag sa batas-trapiko at nangotong ng halagang P400 sa Singalong, Malate, Maynila, kamakalawa ng umaga.
Dala pa ng complainant na si Ana Camuel Lightfoot, 34, ang mga nakunan niyang litrato ng suspek na nakaÂmotorsiklo nang magtungo sa Manila Police District-General Assignment Section para magreklamo.
Makikita sa litrato ang nagpakilalang pulis na nakaÂsuot ng blue with white na pantalon o GOA-B PNP uniform, naka-jacket ng itim, naka-duty shoes na balat, naka-helmet ng kulay silver, may kahon o package na nakatali sa likod ng motorÂsiklong minamaneho nito na kulay pula at may plakang 1768 NM.
Ayon sa reklamo ng ginang, dakong alas-11:00 ng umaga nang sitahin umano ang mister niyang si Damon Lightfoot, 31, American national, dahil tinted umano ang sasakyan nilang Hyundai Grace van (XGC-747).
“May traffic violation daw po kami dahil tinted yung van namin, pinipilit ho niya kami na magbigay sa kanya ng P2,000 e ang sabi ko e wala kaming pera kaya kinuha niya yong P400 ko at galit pa siya,†anang ginang.
Sinabihan pa umano siya na titiketan at tatanggalin ang plaka ng van at binalaan pa na kukunin ang cellphone niya nang mapansin na kiÂnuÂkunan niya ito ng litrato gamit ang cellphone.
Nagawa niyang maglabas ng P400 dahil sa takot sa nasabing pulis at huwag silang tiketan. Nang makuha ng suspek ang P400 ay humaÂrurot na umano ito patakas.