MANILA, Philippines - Utas ang isang sikat na Pinoy race car champion haÂbang sugatan naman ang isang helper nito matapos tambangan ng riding-in-tanÂdem sa Quezon City, kamaÂkalawa ng gabi.
Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang nasawi na si Ferdinand Pastor, alyas Enzo, 31 at residente sa Galleria De Magallanes, Lapu-Lapu St., Makati City.
Sugatan naman ang kaÂsama nito na nakaratay sa ospital na kinilalang si Paolo Salazar, 20, ng Baay, LingaÂyen Pangasinan.
Sa imbestigasyon ni PO2 Alvin Quisumbing, may-hawak ng kaso, naganap ang insidente sa may kahabaan ng kanto ng Congressional Avenue, corner Visayas Avenue, Brgy. Pasong Tamo, ganap na alas-10:20 ng gabi.
Lumilitaw na ang mga biktima ay galing sa Batangas RaÂcing circuit sakay ng isang truck (WSC-331) patungong Clark International Speedway para sa isang racing competition.
Sinasabing binabagtas ng truck ang Congressional Avenue nang pagsapit sa Visayas Avenue ay inabutan sila ng stoplight.
Habang naghihintay ng paglarga, lumitaw ang hindi nakikilalang salarin at pinagbabaril si Pastor, habang tiÂnaÂÂmaan naman ng ligaw na bala si Salazar. Matapos ang pamamaril ay agad na sumibat papalayo ang salarin.
Sa pagresponde ng mga rescue team ay itinakbo pa ang mga biktima sa Quezon City General Hospital pero idineklara ding dead on arrival si Pastor, ganap na alas-11 ng gabi.
Si Salazar naman ay tinaÂmaan ng isang ligaw na bala sa bahagi ng kanyang ulo ay inilipat naman sa East Avenue Medical Center kung saan ito sinasailalim sa meÂdical treatment. Narekober sa crime scene ang apat na basyo at dalawang tingga ng kalibre 45 baril na ginamit ng salarin sa pananambang.
Si Pastor ang kauna-unahang Pilipinong tumanggap ng All Star Award sa Night of Champions sa National Association for Stock Car Auto Racing (NASCAR) Gala noong Disyembre 2013 sa North Carolina matapos maging overall champion sa EURO-NASCAR. Lalaban pa sana ito sa Hulyo para sa fifth leg ng karera sa Clark International Speedway.