^

Metro

Kawatang taxi driver, kilala na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tukoy na ng pulisya ang driver ng taxi na nangholdap at pumalo sa ulo ng babaeng Chinese national na dumalaw lamang sa bansa nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Police Supt. Danilo Pecana, ang driver ay nakilalang si Simeon Abad Jr., na residente ng Bulacan na tinukoy ng operator ng pinasada nitong taxi nang maganap ang insidente.

Sabi ni Pecana, ipina­tawag niya ang operator ng Sir Anthony Taxi kung saan niya nalamang umekstra lamang ang suspek sa pamamasada kung kaya wala silang kompletong papeles nito.

Gayunman, nagsagawa agad sila ng pagtugis sa tinutuluyan ng suspek sa Bulacan, pero nabatid nilang wala na ito sa lugar.

Si Abad ay tinutugis ng QCPD, matapos biktimahin ang dayuhang pasaherong si Chen Jun, sa may kahabaan ng Kalayaan Avenue, Cubao. 

Si Jun ay nagtamo ng da­lawang sugat sa ulo ma­tapos na hatawin ng tire range ni Abad. Agad namang nasaklolohan ang biktima at dinala sa Labor hospital.

Patuloy ang follow-up investigation ng awtoridad sa insidente.

 

vuukle comment

BULACAN

CHEN JUN

DANILO PECANA

KALAYAAN AVENUE

POLICE SUPT

SI ABAD

SI JUN

SIMEON ABAD JR.

SIR ANTHONY TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with