MANILA, Philippines - Sinimulan na kahapon ang pagpapatupad ng re-routing at pagsasara ng ilang kalye sa Maynila para sa selebrasyon ng Independence Day sa Luneta Park, ngayon.
Nabatid na alas-8:00 ng umaga kahapon nang isara sa mga motorista ang South drive lane ng Roxas Blvd. na tatagal hanggang ngayong (Hunyo 12) alas-6:00 ng gabi.
Sinabi ng Manila Police Traffic Enforcement Unit na bukod sa isinarang kalsada lahat ng mga sasakyan mula Roxas Blvd. north-bound lane patungo sa Manila Ocean Park ay kinakailangang kumaÂliwa sa Katigbak drive pakanan sa Independence Road patungo sa kanilang destinasyon.
Sarado naman sa mga motorista ang North at South lane ng Roxas Blvd. mula alas- 6:30 ng umaga ngayong araw na ito, gayundin ang kahabaan ng South Drive mula sa Independence Road hanggang Roxas Boulevard.
Lahat naman ng mga motorista na nanggaling sa northern part ng Maynila na balak dumaan sa south-bound lane ng Roxas boulevard ay kinakailangang kumaliwa sa P. Burgos St., kakanan sa TM Kalaw St, kaliwa sa MH Del Pilar at kakanan sa Pres. Quirino Ave patungo sa kanilang destinasyon.
Sa mga motoristang manggagaling sa Southern part ng Manila na balak dumaan sa northbound lane ng Roxas boulevard ay kinakailangang kumanan sa President Quirino Ave. patungo sa kanilang destinasyon.
Samantala, kasado na rin ng Manila Police District (MPD) sa mga itatalagang kapulisan para sa magbibigay ng seguridad para sa naÂsabing okasyon na taun-taong isinaÂsagawa sa Luneta.