MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na elemento ng Intelligence Security Group (ISG) ng Phil. Army, Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) at Parañaque Police ang isang mataas na lider ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na may ugnayan sa Al Qaeda at Jemaah Islamiyah (JI) terrorist sa isinagawang opeÂrasyon sa Parañaque City kahapon ng umaga.
Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Benjamin Magalong, ang nasakoteng suspect na si Khair Mundos, 50, isa sa matataas na lider ng Abu Sayyaf at top fiÂnancier ng Abu Sayyaf.
Si Mundos, ayon naman kay ISAFP Chief Major Gen. Eduardo Año ay may patong sa ulong P5.3-M at karagÂdagan namang $500,000 mula naman sa pamahalaan ng Estados Unidos.
Bandang alas-9:30 ng umaga nang masakote si Mundos sa kahabaan ng A. Bonifacio St., Brgy. San Dionisio, Parañaque City.
Ang suspek ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) 12 Judicial Region Branch 17 sa Kidapawan City at walang inirekomendang piyansa kapalit ng kanyang kalayaan.
Matagal na umanong trinabaho ng intelligence operatives si Mundos na itiÂnuro ng isang tipster. Si Mundos ay galing pa umano sa Isabela City, Basilan nang magtungo ito sa Metro ManilaÂ.
Magugunita na noong Mayo 2004 ay nasakote na si Mundos sa kasong money laundering na isinampa laban sa teroristang grupo. Si Mundos umano ang tumatanggap at namamahala sa pondo ng Abu Sayyaf na nagmumula sa Al Qaeda at maging sa Jemaah IslaÂmiyah terrorist na ginagamit sa pambobomba ng bandidong Abu Sayyaf sa buong Mindanao.
Noong Pebrero 2007 ay nakatakas si Mundos sa provincial jail ng Kidapawan City kung saan sa ilalim ng pamumuno nito sa inilunsad na serye ng pambobomba ng Abu Sayyaf ay maraÂming mga sundalong Pinoy at maging ang US servicemen ang nasawi sa Mindanao Region.
Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation sa CIDG-NCR sa Camp Crame si Mundos.