Parak lasog sa bundol

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis makaraang mabundol ng rumaragasang kotse na minamaneho ng isang call center agent, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa East Avenue Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si PO2 Edgardo Macogue, 43, ng Merry Homes Subd., at nakatalaga sa Quezon City Police. Kalaboso naman at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Mark Anthony Cruz, 32, isang call center agent, at residente ng Pasig City. Base sa ulat ng pulisya,  tumatawid ang biktima sa Zabarte Road dakong ala-1 ng madaling-araw nang mahagip ng humahagibis na kotse na minamaneho ni Cruz. Tumilapon ang biktima at bumagsak sa sementadong kalsada na naging dahilan ng matinding pinsala nito  sa katawan. Agad na isinugod sa EAMC ang biktima ngunit hindi na nasalba ang buhay nito habang sumuko naman sa mga pulis ang suspek.

Show comments