Negosyante, nagbaril sa sarili

MANILA, Philippines - Masusing  imbestigasyon ngayon ang ginagawa ng  mga awtoridad hinggil sa  umano’y pagbaril sa sarili ng isang negosyante sa kanyang inuupahang bahay sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng hapon.

Bagama’t naisugod pa sa pagamutan, binawian din ng buhay si Peter Cua, 53, ng Kusang Loob St., Sta. Cruz, Manila bunsod ng tama ng  bala ng shotgun sa kanyang  dibdib.

Sa report ni Det. Crispino Ocampo ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng hapon nang madatnan  ang biktima ng kanyang  misis na si Mei Yan sa  sa ikatlong pa­lapag ng inuupahang bahay.

Ayon kay Mei Yan, alas-9  ng umaga nang iwan niya ang kanyang asawa para mag-report sa pinapasukang paaralan. 

Nagulat na lamang siya nang makitang naghihingalo  at duguan ang kanyang mister habang nasa tabi ang isang 12-gauge shotgun na hinihinalang ginamit nito sa pagpapakamatay

Inaalam ngayon ng  mga awtoridad kung may naganap na foul play o motibo sa pagpapakamatay ng biktima.

Show comments