Girian sa basketball, vendor tinarakan sa ulo

MANILA, Philippines - Nasa  kritikal na kondisyon ngayon ang isang 22-anyos na vendor nang saksakin sa ulo ng kalaro nito sa basketball sa Tondo, Manila kamakalawa ng hapon.

Ginagamot ngayon sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Raymond Espinilo ng Gate 20 Area H Parola compound Tondo sanhi ng saksak sa ulo. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Joel na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni Supt.  Jackson Tuilao, Station Commander ng Manila Police District (MPD)-Station 2, dakong alas-4:00 ng hapon nang naganap ang insidente sa isang basketball court sa Gate 30 Area H. Parola compound, Tondo, habang ang biktima at suspek ay naglalaro ng basketball nang magkagirian hanggang sa nauwi sa mainitang pagtatalo. Dito na naglabas ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa ulo at saka mabilis na tumakas.

 

Show comments