MANILA, Philippines - Bunsod marahil ng sobrang init ng panahon dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa lungsod ng Pasay kahapon ng madaling araw.
Nabatid na alas-3:30 ng madaling araw ng matagpuan na wala ng buhay sa ikalawang palapag ng kanyang bahay ang biktimang si Eustaque Micono, 20, stay-in panadero sa Easyll Bakery, na matatagpuan sa no.410-B-E Rodriguez St., Zone-17, Brgy. 158 Malibay ng naturang lungsod.
Sa imbestigasyon ng Pasay City Police, bago ang insidente alas-12:00 ng maÂdaÂling araw nang umakyat sa ikalawang palapag ang bikÂtima at ang tatlong kasama nito sa trabaho upang matulog.
Bandang alas-3:30 ng madaling-araw ay unang nagising sina Mark Joel De Vera, 22; at Romel Diola, 23, upang magbukas na ng kanilang bakery subalit napansin nila ang biktima na hindi pa ito bumabangon.
Pinuntahan ni De Vera ang biktima sa tinutulugan nitong kama upang gisingin, subalit hindi na ito gumagalaw at nang kanyang pulsuhan ay wala na itong buhay. Agad naman ipinagbigay-alam ni De Vera sa kanyang mga kasamahan ang insidente.
Samantala isang lalaki na epileptic ang tuluyang hindi na nagising makaraang maÂtagpuan na wala ng buhay sa inuupuang bangko sa loob ng kanilang bahay na nakilalang si Andrei Capinpin, 28, ng #29-R Layug St., Zone 1, Brgy. 2 ng naturang lungsod.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Chris Gabutin, ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police alas-11:00 ng gabi ng madiskubre na wala ng buhay ang biktima sa loob ng kanilang kuwarto.
Ayon sa ama ng biktima na si Victor Capinpin huli nitong nakitang buhay ang anak nang nilalaro pa ang alagang tuta sa harapan ng kanilang bahay at hindi nagtagal ay pumasok na sa kanilang bahay.
Kinagabihan ay nakalanghap ng kakaibang amoy ang mag-asawa mula sa silid tulugan ng biktima at dito nila nadiskubre na ang kanilang anak ay isa ng bangkay.
Ang mga labi ng mga biktima ay kapwa dinala sa Rizal Funeral Homes sa Libertad Pasay City upang i-autopsy at alamin ang naÂging kamatayan ng mga ito.