^

Metro

Professor, natagpuang naaagnas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa mabahong amoy, nadiskubre ang naaagnas ng bangkay ng isang professor sa loob ng kuwarto nito sa Caloocan City kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Renato Resserrection, 60,  professor ng University of Caloocan City at residente ng Tulingan St. ng naturang lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, alas-5:30 ng hapon nang makaamoy ng mabaho ang katabing kuwarto ng tinutuluyang apartment ng biktima sa naturang lugar.

Hinanap ang pinanggagalingan ng mabahong amoy hanggang sa matuklasan na nagmumula ito sa kuwarto ng biktima, subalit walang sumasagot na naging dahilan upang ihingi ng tulong sa mga tanod.

Dito na napilitan ang mga awtoridad na sapilitang binuksan ang pinto hanggang sa tumambad ang naaagnas na bangkay ng professor habang nakaupo sa sofa.

Inaalam naman ng mga awtoridad kung ano ang ikinamatay ng biktima.

 

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAHIL

DITO

HINANAP

INAALAM

NAKILALA

RENATO RESSERRECTION

TULINGAN ST.

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with