Para iwas-bullying 34 public schools sa Taguig kinabitan ng CCTV

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang bullying sa mga estudyante, nakumpleto ang ikinabit na mga closed circuit television (CCTV) camera ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa 34 na pampublikong paaralan sa Taguig City.

Kabilang dito ang 22 public elemen­tary school at 12 high school sa lungsod.

Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, sinimulang ilagay ang mga CCTV noong nakaraang taon bilang suporta sa Students’ Anti-Bullying Action Center (SABAC) na  isa sa mga pangunahing programa ng Department of Education (DepEd)at ng  city government.

Inaasahan din na sa tulong ng mga CCTV, mababawasan ang insidenteng tulad nito sa mga paaralan.

Ayon naman kay Dr. George Dizon, di­vision administrator ng DepEd Taguig-Pa­teros, kadalasang iti­natago ng mga bata ang kanilang problema sa bullying dahil sa takot na mapagalitan ng mga magulang o mga guro.

Gagamitin ang mga CCTV camera at anti-bullying desk upang matukoy ang bigat ng problema ng bullying­ sa mga paaralan at maiwasang lumala ang mga ito.

Show comments