MANILA, Philippines - Tinatayang nasa P1.5 milyon ang halaÂga ng shabu na nakuha mula sa isang ginang na unang inaÂresto dahil sa kanyang pag-iÂingay sa kanilang lugar sa Quezon City.
Inamin ng suspek na si Jody Daranciang, 30, ng Bgy. Bagong Pag-asa na gumagamit at nagÂtaÂtago siya ng shabu maÂtapos ang kanyang pakakadakip nitong nakaraang Biyernes ng umaga bunsod ng pag-iingay sa Bgy. Sto. Cristo Quezon City.
Nabatid na natagpuan sa loob ng kanyang bag ang walong piraso ng plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 670 grams o halagang P1.5 million sa street valueÂ.
Si Daranciang ay nakitang pagala-gala sa kahabaan ng Palawan St. sa Bgy. Sto. Cristo, ganap na alas- 7:30 ng umaga at nagsisigaw ng masasamang salita at naghahamon ng suntukan sa mga nagdaraang reÂsidente.
Dahil dito, tinawag na ng mga residente ang nagpapatrulyang mga pulis sa hinala nilang ang ginang ay nasa impluwensya din ng iligal na droga.
Ayon kay Sr. Insp. Roberto Razon, inireklamo ng ginang ang problema sa kanyang kaÂreÂlasyon, sanhi para gumawa ito ng ingay.
Agad na rumesponde ang mga otoridad sa lugar at pagkaÂbaba sa kanilang saÂsakyan ay saka nilapitan ang ginang at tinignan ang laman ng bag nito.
Dito nasopresa ang mga pulis nang makita ang walong piraso ng plastic sachets na nagÂlalaman ng shabu na nakatago sa loob ng bag.
No bail naman ang rekomendasyon matapos na kasuhan ng illegal possession of illegal drugs.
Isinailalim din si Daranciang sa drug test.