Beautician itinumba sa hair salon

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 45-anyos na beautician­ makaraang barilin sa ulo ng di-kilalang gunman sa loob ng hair salon sa Quezon City, kahapon ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Noel Maning­ding, binata, ng #52 AFP Road, corner Air Force Road, Veterans Village sa Brgy. Holy Spirit sa nasabing lungsod.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, na­ganap ang pa­mamaril sa loob ng Wella Hair Zone Salon sa panulukan ng AFP Road at Air Force Road sa Veterans Village bandang alas-12:30 ng tanghali.

Napag-alamang abala sa paggugupit ang biktima sa kanyang customer nang biglang lapitan at barilin ng gunman.

Sinamantalang tumakas ng gunman habang nag­kakagulo ang mga customer sa nasabing salon.

Nagawa pang maisugod ng kanyang kasamahan ang biktima sa East Avenue Medical Center pero idineklara itong patay habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga awtoridad.

Show comments