MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District ang tatlong tindahan at bodega ng mga pekeng slimming pills at tea, gayundin ang mga food supplement for men sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila.
Unang sinalakay ng pulisya ang East West Chinese Drug store sa Sta. Cruz, Maynila na sinasabing bodega ng mga slimming tea at pills kasama na ang mga food supplement.
Maging ang Anson Drug store na kalapit lamang ng East West ay ni-raid ng mga operatiba ng pulisya.
Samantala, kinumpiska ang mga paninda sa Shun Xin Drug store sa F. Roman St. sa Binondo kung saan na nasamsam ang iba’t ibang uri ng tsaa na sinaÂsabing nakakapagpapayat.
Batay sa resultang giÂnawa ng Food and Drugs Administration, ang mga naÂkumpiskang pekeng slimming pills, tea at mga food supplement na panglalaki ay nagtataglay ng amphethaÂmine na nakakasira ng kidneyÂ.
Ang pagsalakay ay ayon sa bisa ng search warrant na inisyu ng hukuman sa Manila, Makati at Quezon City.