P3-M shabu nasamsam sa airport
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P3 milyong halaga ng shabu ang nadiskubre ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) makaraang masabat ang limang kahon ng sandals na pambabae patungong Basilan mula sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 4 (old domestic airport) kahapon.
Ayon sa ulat, ang 500 gramo ng methamphetamine hydroÂchloride (shabu) ay itinago sa bawat kahon ng sandalyas kung saan tangkang ipadala.
Sinasabing isang alyas Itti Isnaen ang consignee ng mga kahon na ipadadala sana sa Isabela City, Basilan pero walang pangalan ang nakalagay sa kukuha ng mga kahon. Nabuko ang operasyon ng sindikato ng droga matapos dumaan ang mga kahon sa X-ray kung saan ginamit din ang K-9 drug sniffing dog kaya nadiskubre ang tangkang pagpupuslit ng bawal na droga.
Napag-alaman din na, isang alyas Helda Isnaen ang nagpadala ng limang kahon gamit ang isang courier company sa Quezon City.
- Latest