MANILA, Philippines - Umaabot sa 14 na babaeng nagtatrabaho sa iba’t ibang videoke bar ang pinagdadampot ng mga operatiba ng pulisya dahil walang working permits mula sa kinauÂukulang ahensya ng lokal na pamahalaan sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw. Bandang alauna ng madaling araw nang magsagawa ng “Oplan Bakal†ang Valenzuela Police Community Precinct 1 sa tatlong KTV bars sa bahagi ng East Service Road, Canumay East sa nabanggit na lungsod. Sa halip na mga kustomer na may bitbit na mga baril at armas ang maaresto, dinampot ng mga tauhan ni PCP 1 Police Insp. Jonathan Olvena ang 14 na guest relation officer (GRO) na nagtatrabaho sa Jjams Resto Bar, Lowella Beer Garden at sa Roadside KTV. Nabatid na walang kaukulang health at working permit ang mga trabahador na babae kaya inaresto ang mga ito sa pagÂlabag sa pinaiiral na ordinansa sa lungsod. Nadiskubre rin na walang business permit ang mga nabanggit na videoke bar.