MANILA, Philippines - Libu-libong pasahero ang dumagsa sa Metro Rail Transit (MRT-3) kasabay nang unang araw nang pagbubukas ng klase sa Metro Manila kahapon. Ayon kay MRT spokesman Hernando Cabrera, napaghandaan naman nila ito matapos na mag-deploy ng karagdagang 20-tren sa rush hours o mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga. Sa pagtaya ni Cabrera, aabot sa 2,300 ang karagdagang pasahero kada oras sa bawat direksyon ang na-accommodate ng MRT-3. Nangangahulugang 9,200 extra passengers ang sumakay pa-north at southbound trains ng MRT sa kasagsagan ng 2-hour rush hour period. Ang MRT-3 na may rated capacity na 350,000 passengers lamang kada araw na nag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue sa Pasay City.