Bus vs bus: 18 sugatan

MANILA, Philippines - Umabot sa 18-pasahero ang nasugatan matapos magbanggaan ang dalawang bus sa kahabaan ng Common­wealth Avenue, Quezon City, kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga sugatan ay sina Edwin Bustamante, 34; Imee Bustamante, 33; Jovani Soperoles, 25; Mario Coral, 58; Roberto Tungol, 48; Danilo Eufemio, 50; Genmar Carmona, 25; Ferdinand Montero, 39; Manolito Perez, 58; Junjun Manriquez, 36; Felipe Roman, 18; Jason Sabangan, 22; Robert Obie­na, 28; Jonathan Bulou, 54; Elmer Santiago, 28; at si Johnny Ferrer, 46, mga pasahero ng Everlasting Transport Bus. Habang sugatan naman ang mga sakay ng Joyselle Express Bus na sina  Niel Cijas, 42; at Renato Cia, 22; kung saan hindi nasugatan ang dalawang drayber ng bus.

Sa ulat ni SPO4 Henry Se ng Quezon City Police Traffic Sector 5, ang mga biktima ay sakay ng Joyselle Express bus (TWB-184) at Everlasting Transport Bus nang maganap ang insidente sa  panulukan ng Commonwealth at Central Avenue sa Brgy. New Era.

Nabatid na patungong Philcoa ang Everlasting Bus na minamaneho ni Johnny Deladias nang salpukin nito ang likurang bahagi ng Joyselle Express Bus ni Narciso Benlot pagsapit sa nasabing lugar.

Sugatan ang 16 na pasahero ng Everlasting Bus habang dalawa namang pasahero na nakaupo sa likuran ng Joyselle Bus.

Show comments