MANILA, Philippines - Arestado ang dalawa umaÂnong notorious na holÂdaper ng bus makaraang maÂsakote ng mga opeÂraÂtiba matapos na muling mangholdap sa Quezon City.
Kinilala ni Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Quezon City Police District Station 2, ang mga suspek na sina Gaddy Flores, at Luanti Delicoma, na umano’y miÂyembro ng Pasay robbery group na umatake sa lungsodÂ.
Sila ay positibong itiÂnuro ng kanilang mga biktimang sina Anne Adigas at Leonard Sy na natangayan nila ng cellphone, at tablet.
Ayon kay Sanchez, ang modus umano ng dalawa ay sasakay sandali sa isang bus, saka uupo sa gawing estribo o pintuan, na parang mga pasahero, saka agad na hoholdapin ang pasaherong malapit lang sa kanya at mabilis na tatakas.
Samantala, nadakip ang mga suspek sa may Sitio San Roque, Brgy. Pag-asa, ganap na alas-8 ng gabi.
Bago ito, sumakay ang mga suspek sa isang bus sa bahagi ng Edsa, patuÂngong Monumento, saka hinoldap ang dalawang bikÂtima at tumakas.
Tiyempo namang may nagpapatrulyang pulis maÂlapit sa lugar at nakita ang komosyon dahilan para haÂbulin nila ang mga suspek at maaresto.
Narekober sa mga suspek ang gamit ng mga biktima saka ang dalawang kalibre 38 baril na ginagamit nila sa kanilang iligal na aktibidad.
Samantala, todo tanggi naman ang mga suspek na miyembro sila ng Pasay Robbery group at dala lamang umano ng kahirapan kung kaya nila ito nagawa.