Driver, dedo sa kuyog at boga

MANILA, Philippines - Isang tsuper ang  binaril at napatay nang kuyugin ng mga nakaaway  na  kasamahan sa pamamasada  ng tricycle kahapon ng madaling-araw  sa Pasay City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Pasay City Ge­neral Hospital (PCGH) ang biktimang si Benjamin Alcantara, Jr.,  31,  ng 350 Libertad St., na nagtamo ng tama ng bala  ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanang balikat.

Pinaghahanap naman ng pulisya  ang limang suspek na ang isa ay nakilala lamang sa “alyas Bobby”, residente ng Decena St., na siyang unang naka-alitan ng biktima dahil lamang sa agawan ng pasahero.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin, ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police,  naganap ang insidente alas-12:20 ng madaling-araw sa panulukan ng Decena at Libertad Sts., ng naturang lungsod.

 

Show comments