MANILA, Philippines - Nauwi sa patayan ang matinding alitan ng magkakosa sa gang matapos magduwelo kung saan napatay ang 35-anyos na miyembro ng Sputnik Gang habang kritikal naman ang isa kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Malaya Street sa Balut, Tondo, Maynila. Naisugod pa ng mga barangay tanod sa Tondo General Hospital subalit namatay din ang biktimang si Ronnie Datu, ng #2326 Malaya Street, Balut,Tondo. Nasa malubha namang kalagayan si Arizon San Ramon, 32, kapwa pedicab driver at nakatira sa Ampico Street sa nasabing lugar. Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun, bandang alas-10 ng gabi nang masaksihan ni Elpidio Sabado ang duwelo ng dalawa na kapwa may hawak ng patalim at nagsasaksakan.Pinaniniwalaang alitan sa pamamasada ng pedicab ang isa sa motibo kaya nagduwelo ang dalawa.