Tsinoy trader itinumba ng tandem

Nakaupo pa sa pag-aaring SUV ang napatay na negosyanteng si Jayson Chua matapos itong tambangan ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng Pablo Ocampo St.  malapit sa panulukan ng A. Mabini St. sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw. (Kuha ni Bernardo Batuigas)

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 44-anyos na negosyanteng Tsinoy matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa loob ng sports utility vehicle (SUV) sa bisinidad ng Malate, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Jason Chua, may asawa, negosyante at residente ng Golden Empire Tower sa Roxas Blvd., Pasay City.

Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:10 ng gabi nang maganap ang krimen sa panulukan ng P. Ocampo Street at Mabini St. sa Malate, Maynila.

Nabatid na papauwi na ang biktima mula sa Century Park Seafood Restaurant lulan ng Range Rover na may conduction sticker na ZI1055 nang tambangan ng tandem pagsapit sa na­sabing lugar.

Napag-alaman din na bago maganap ang pana­nambang ay nagsalu-salo ang biktima at mga dating kaklase sa high school sa nasabing seafood res­taurant.

Sinisilip naman ng pu­lisya­ ang anggulong may kaugnayan sa negosyong plastic products ng biktima ang pananambang.

Show comments