8 patay, 9 sugatan sa sunog sa Pasig

MANILA, Philippines - Walo katao ang patay at siyam naman ang sugatan matapos masunog ang isang bodega sa Pasay City nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga namatay na sina Heideliza Ib-Ib, 24;  Lorena Ib-Ib, 21 ; Angeline Quillano, 21;  Shelalyn Habagat, 19; Jelsa Saburiga, 19; Renelyn Debaguio, 21; Maricris Palmesa Calumba, 21; at Floralyn Balucos, 20.

Ayon sa mga inisyal na ulat, ang walong biktima ay natutulog sa isang nakakandadong kuwarto sa loob ng bodegang nasunog sa kalye ng Samonte, Barangay 46, San Isidro.

Naaupla ang apoy bandang 6:10 ng umaga.

Siyam pang empleyado sa bodega ang nasugatan at isinugod na sa Pasay City General Hospital.

Inaalam pa nga mga bombero kung paanong nagsimula ang apoy.

Show comments