Foreign students dumagsa­

MANILA, Philippines - Mas dumami pa ang mga dayuhang estudyante na nais mag-aral sa Pilipinas.

Ito ang  kinumpirma ni Atty. Elaine Tan, spokesperson ng Bureau of Immigration (BI), matapos na  maglabas ng talaan ang kawanihan na umabot sa 5,719 student visa ang naibigay sa mga foreigner.

Nanguna  sa talaan ang Korean na aabot sa 1,530 estudyante na sinundan naman ng India na nakapagtala ng 1,069 enrollees habang nasa ikatlo at ikaapat ang mga Iranian at Chinese­.

Marami ring en­rollees mula sa Nepal, Nigeria at iba pang bansa.

Karamihan ng mga foreign student ay naka-enroll sa mga unibersidad at kolehiyo sa Kamaynilaan tulad ng Centro Escolar Univer­sity (CEU), Adventist University of the Philippines (AUP), University of the East (UE), Far Eastern University (FEU), Manila Central University (MCU), University of Sto. Tomas (UST), Jose Rizal University (JRU) at sa De La Salle University (DLSU).

 

Show comments