MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 42-anyos na negosÂyante matapos pagbabarilin ng dalawang pahinante ng yelo sa sinasabing Muslim area sa Brgy. San Miguel, Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Bagamat tuluyang namatay habang ginagamot sa Mary Chiles Hospital ay nakapagbigay ng dying declaration laban sa mga suspek ang biktimang si Rizalde CasÂpillo ng P. Casal Street sa nasabing barangay.
Arestado naman ang dalawang suspek na sina Esko Usman, 20, tubong Sultan Kudarat; at Jaime Masla, 35, kapwa ice delivery boy.
Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang krimen dakong alas-8 ng gabi habang nakaupo ang biktima at nag-aayos ng mga resibo sa kanyang negosyong dealer ng softdrinks.
“Pinaaalis na kasi ‘yung biktima dun sa lugar, may hinihintay lang na incentives kasi softdrinks dealer ang isa sa negosyo nila mukhang may naiinggit, maganda kasi ‘yung location, â€paliwanag ni SPO2 Bautista.
Nang barilin ay nagawa pang tumakbo ng biktima sa kanyang bahay kung saan agad namang sumilip sa pintuan ang asawang si Loida at nakitang papatakas na si Masla.
Nang bumalik umano ang mga suspek at nagtanong kay Loida kung saang ospital itinakbo at kung buhay pa ito subalit iniÂligaw ito at sinabing sa Camp Bagong Diwa isinugod na ospital.
Nagulat pa umano si Loida nang pagbalik niya sa Mary Chiles Hospital ay nakita ang dalawang suspek at may kasama pa.
Nabatid na ang biktima ay nakapagnegosyo sa nasabing lugar dahil nagbibigay ito ng protection money sa grupo ng kalalakihan.
“Kapag naaatraso ang pagbibigay ng protection money ay hinaharas ang biktima o kaya pinuputulan ng linya ng kuryente,†dagdag pa ni Bautista.