^

Metro

Trader itinumba ng 2 pahinante

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 42-anyos na negos­yante matapos pagbabarilin ng dalawang pahinante ng yelo sa sinasabing Muslim area sa Brgy. San Miguel, Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Bagamat tuluyang namatay habang ginagamot sa Mary Chiles Hospital ay nakapagbigay ng dying declaration laban sa mga suspek ang biktimang si Rizalde Cas­pillo ng P. Casal Street sa nasabing barangay.

Arestado naman ang dalawang suspek na sina Esko Usman, 20, tubong Sultan Kudarat; at Jaime Masla, 35, kapwa ice delivery boy.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang krimen dakong alas-8 ng gabi habang nakaupo ang biktima at nag-aayos ng mga resibo sa kanyang negosyong dealer ng softdrinks.

 â€œPinaaalis na kasi ‘yung biktima dun sa lugar, may  hinihintay lang na incentives kasi softdrinks dealer ang isa sa negosyo nila mukhang may naiinggit, maganda kasi ‘yung location, ”paliwanag ni SPO2 Bautista.

Nang barilin ay nagawa pang tumakbo ng biktima sa kanyang bahay kung saan agad namang sumilip sa pintuan ang asawang si Loida  at nakitang papatakas na si Masla.

Nang bumalik umano ang mga suspek at nagtanong kay Loida kung saang ospital itinakbo at kung buhay pa ito subalit  ini­ligaw ito at sinabing sa Camp Bagong Diwa isinugod na ospital.

Nagulat pa umano si Loida nang pagbalik niya sa Mary Chiles Hospital ay nakita ang dalawang suspek at may kasama pa.

Nabatid na ang biktima ay nakapagnegosyo sa nasabing lugar dahil nagbibigay ito ng protection money sa grupo ng kalalakihan.

 â€œKapag naaatraso ang pagbibigay ng protection money ay hinaharas ang  biktima o kaya  pinuputulan ng linya ng kuryente,” dagdag pa ni Bautista.

 

BAUTISTA

CAMP BAGONG DIWA

CASAL STREET

ESKO USMAN

JAIME MASLA

JONATHAN BAUTISTA

LOIDA

MARY CHILES HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with