MANILA, Philippines - Dahil sa garapon na hiÂningi ng 34-anyos na misis sa staff ng motel, nabunyag ang pagkakalaglag ng dinadala nitong limang-buwang gulang na sanggol, habang naka-check-in sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Depensa ng misis na si Cristal Cristobal, hindi niya ipina-abort ang sanggol bagkus ay nanakit ang kaniyang balakang at tiyan bunga ng pagod at stress sa matagal na paghahanap sa kaniyang mister matapos siyang iwan sa isang mall, kasama ang 8-buwang gulang na sanggol, may isang buwan na ang nakalipas.
Pansamantalang nanaÂnatili si Cristobal sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) upang mabigyan ng kaukulang medical attention dahil sa patuloy na pagdurugo.
Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8 ng gabi noong Martes nang pumasok ang mag-ina sa Broadway Lodging Inn sa CM Recto Avenue, Sta. Cruz para sa 24-oras na pananatili. Hindi nagtagal, matapos mangÂhingi ng garapon ay natuklasan na isinilid ang fetus na may kasama pang inunan.
“Ang sabi ng doktor sa JRMMC , mukhang hindi naman daw inilaglag, may isang buwan na raw silang paikut-ikot sa Maynila at umaasang babalikan siya ng kanyang mister, kasama pa nga niya ‘yung anak na 8 months old,†pahayag ni SPO3 Vallejo.
Nabatid na lumuwas sa Maynila si CrisÂtobal, kasama ang sanggol at mister mula sa bayan ng Mangatarem, PangaÂsinan subalit nang iwan sila sa isang mall ay hindi na ito lumutang pa.