^

Metro

Buntis inabandona ng mister, naagasan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa garapon na hi­ningi ng 34-anyos na misis sa staff ng motel, nabunyag ang pagkakalaglag ng dinadala nitong limang-buwang gulang na sanggol, habang naka-check-in sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Depensa ng misis na si Cristal Cristobal, hindi niya ipina-abort ang sanggol bagkus ay nanakit ang kaniyang balakang  at tiyan bunga ng pagod at stress sa matagal na paghahanap  sa kaniyang mister matapos siyang iwan sa isang mall, kasama ang 8-buwang gulang na sanggol, may isang buwan na ang nakalipas.

Pansamantalang nana­natili si Cristobal sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) upang mabigyan ng kaukulang medical attention dahil sa patuloy na pagdurugo.

Ayon kay SPO3 Glenzor­ Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8 ng gabi noong Martes nang pumasok ang mag-ina sa Broadway Lodging Inn sa CM Recto Avenue, Sta. Cruz para sa 24-oras na pananatili. Hindi nagtagal, matapos mang­hingi ng garapon ay natuklasan na isinilid ang fetus na may kasama pang inunan.

“Ang sabi ng doktor sa JRMMC , mukhang hindi naman daw inilaglag, may isang buwan na raw silang paikut-ikot sa Maynila at umaasang babalikan siya ng kanyang mister, kasama pa nga niya ‘yung anak na 8 months old,” pahayag ni SPO3 Vallejo.

Nabatid na lumuwas sa Maynila si Cris­tobal, kasama ang sanggol at mister mula sa bayan ng Mangatarem, Panga­sinan subalit nang iwan sila sa isang mall ay hindi na ito lumutang pa.

vuukle comment

AYON

BROADWAY LODGING INN

CRISTAL CRISTOBAL

CRUZ

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RECTO AVENUE

VALLEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with