Bouncer ng club todas sa adik

MANILA, Philippines - Bulagta ang 28-anyos na bouncer ng club habang isa pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng isang adik sa bawal na droga kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Jaypee Polonan Y Dionisio, kamag-anak ni  Councilor Ernesto Dionisio ng District 1, ng  Building 24,  Unit 36,  Aroma Compound sa nasabing lugar.

Naisugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang sugatang biktima na si Leo­nardo Daculinao, estudyante  at nakatira sa Building 9, Katuparan Street sa Vitas.

Pinaghananap naamn ang suspek na si Christopher Morales ng Building 34 Temporary Housing sa Tondo.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong alas-3:05 ng hapon habang nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang bahay kung saan naghahandang pumasok sa kanyang trabaho sa club.

Gayon pa man, biglang lumapit ang suspek saka pinutukan ang biktima bago tumakas sakay ng motorsiklo.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang nasabing estudyante na sinasabing nag­lalakad sa nasabing lugar.

Show comments