^

Metro

Rehabilitasyon ng Escolta, isusulong

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumayag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang mamahala sa nakatakdang rehabilitasyon ng  Escolta, na  ma­ituturing na  makasysayang sentro sa larangan ng pangangalakal sa bansa.

Sa pakikipagpulong ni MMDA Chairman Francis  Tolentino  kay Manila Mayor Joseph Estrada, nabatid na suporta lamang ang magiging papel ng nasabing ahensiya at ang magiging lead agency sa proyekto ng rehabilitasyon ng Escolta ay ang pamahalaang lungsod ng Maynila.

Isinulong ang rehabilitasyon ng Escolta ma­tapos muling buksan ng MMDA ang operasyon ng Pasig River Ferry at dahil na rin sa maka­saysayang lugar sa Maynila kung saan ito rin ang maituturing na unang historic business capital sa bansa. Subalit sa nakaliaps na dekada ay unti-unting naglaho ang kasikatan ng Escolta makaraang sumulpot ang Central Business District sa Ayala Center, Makati City at  Bonifacio Global City sa  Taguig City.

Upang maibalik at sumigla ang ekonomiya ng Escolta ay sinuportahan ng MMDA at pamahalaang lungsod ng Maynila na buhayin ito at muling humikayat ng mga turista.

AYALA CENTER

BONIFACIO GLOBAL CITY

CENTRAL BUSINESS DISTRICT

CHAIRMAN FRANCIS

ESCOLTA

MAKATI CITY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with