20-anyos napagtripang saksakin

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang napagtripang saksakin at mapatay ang 20-anyos na lalaki ng magkaibigang lalaki habang naglalakad ito sa kahabaan ng Llano Road sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Roman “Oman” Dela Peña ng Queen Margaret Street, Damong Maliit Road sa Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.

Naaresto naman ang isa sa mga suspek na si Marin Lorot, 20, factory worker, ng Block 4 Lot 7 Axis Street, Sunriser Village sa Barangay 167, Caloocan City. 

Sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima kasama si Jose Carlo Recto nang harangin at pagtulungang saksakin pagsapit sa Maybell Subd. sa nasabing lugar bandang alas-11 ng gabi.

Agad na nagtatakbo ang mga suspek ngunit pinagbabato ng ilang tambay kung saan napuruhan naman si Lorot kaya ito bumagsak hanggang sa maabutan ng taumbayan at pagtu­lungang bugbugin. 

Tuluyan namang nakatakas ang kasamahan ni Lorot.

 

Show comments