^

Metro

Negosyanteng diabetic nagbaril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos na ng isang 66-anyos na negosyante ang kanyang paghihirap sa sakit na diabetes nang  magbaril ito sa sarili  sa kanilang master’s bedroom sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Rodolfo Dulay, ng  Unit 203 Anson Bldg., #2808 Rizal Ave., Sta. Cruz, Manila.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas-6 ng gabi nang madatnan ng misis na si Yorina, 52, ang kanyang mister na nakadapa sa kanilang kama at duguan ang ulo  habang  ang isang .9 mm na pistola ay nasa tabi nito.

Umuwi umano ang misis mula sa kanilang negos­yong canteen sa Binondo at hindi inakalang mada­ratnang patay na  ang mister­ sa kanilang silid.

Nabatid na may apat na taon nang may sakit na diabetes ang biktima at posibleng nahihirapan na ito dahil sa madalas na pagsasailalim sa dialysis, na posibleng dahilan upang wakasan ang sariling buhay­.

Dinala ang bangkay sa St. Harold Funeral para sa awtopsiya.

vuukle comment

ANSON BLDG

BINONDO

CRUZ

DINALA

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

RIZAL AVE

RODOLFO DULAY

ST. HAROLD FUNERAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with