MANILA, Philippines - Kasabay ng pagtatapos ng may 8,613 estudyante ng Polytechnic University of the Philippine (PUP) mula Mayo 12-14, ginawaran din ng parangal ng “Tanglaw ng Bayan†sina Sen. Cynthia Villar at Rep. Roman Romulo na ginanap sa PICC.
Ang “Tanglaw ng Bayan†ay isa sa mga pinakamataas na parangal na binibigay ng unibersidad.Nagsimula noong May 12 hanggang Mayo 14 ang 2014 Commencement Exercises ng PUP.
Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni Villar na wala naman umanong imposible sa isang taong nagsisikap at nais na makamit ang kanyang mga pangarap.
Inihalimbawa nito ang karanasan ng kanilang pamilya kung saan nagsimula lamang sila sa mababa subalit nakipaglaban sa hamon ng buhay.
Tanging ang sipag at tiyaga lamang ang kanilang naging puhunan at sandalan upang umunlad kung saan nakatuÂtulong din sa ibang nangangailangan sa ngayon.
Kabilang din sa mga naging panauhin sa nasabing programa sina Hon. Henry Lim Bon Liong, chairman at executive officer ng Sterking Group of Companies; Hon. Isidro A. Consuji, chief executive officer at president ng DMCI Holdings Inc.; Hon. Jose Rizalino L. Acuzar, chairman ng New San Jose Builders Inc.; Hon. Reghis M. Romero II, chairman ng board at founder ng R-II Holdings Inc .
Tinanghal naman na nag-iisang summa cum laude si Laurenze John G. Estrada na mula sa PUP Lopez, Quezon. Nagtapos si Estrada ng BS Civil Engineering at may weighted average na 1.19.